Kahit gumawa ng ilang soap sa GMA 7, sa ABS-CBN pa rin ang loyalty ni Camille Prats at sinabi niya ito sa presscon ng T2 ng Star Cinema na balik-pelikula rin niya.
“Kahit nag-work ako sa Channel 7, alam kong babalik ako rito (Dos) at dito rin ang loyalty ko, may contract man ako o wala. Ang saya nga ng feeling na narito uli ako and everytime namang bumibisita ako rito, enjoy ako dahil lahat ng tao rito mula sa security guards pati janitors, kilala ako. It’s nice to see familiar faces again,” pahayag ni Camille.
First movie rin ni Camille with Maricel Soriano ang T2 at inaming kinabahan siya noong una sa pagtaas pa lang ng kilay ng actress. Obviously, naging maganda ang pagtatrabaho nilang dalawa dahil “Inay” na rin ang tawag nito sa actress. Ang sarap daw ng feeling to be working with someone na iniidolo. ’Di rin niya makalimutan ang paalala ni Maricel na laging lagyan ng alcampurado at manzanilla ang tiyan ng baby niya para hindi kabagan.
NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal



Hindi na sana si Camille nagsalita ng ganon dahil nong wala siyang project, instead na sa kangkongan siya pulutin, binigyan siya ng GMA 7 ng projects. Well, she’s but a classic example of what we call an ingrate.
^Tama ka . . . sana kahit ganun ang nafefeel nya ay hindi na sya nagsalita . . . another Money Pacquiao ang ugali. Hindi na sya nahiya samantalang nung kapapanganak pa lang nya ay binigyan sya ng trabaho. GMA magising na kayo at hwag ng intindihin ang mga ingrato at ingratang tao. Ang mga ingrato ay mawawala sa limelight samantalang ang GMA ay nakatayo pa rin.
mali talaga si camille doon hindi maganda ang sinabi niya na loyal parin sya sa dos, kasi nakakasama ng loob pag nalaman ng exec. ng GMA ang sinabi niya. so may feedback yan if ever or what ever sa kanya later.
may show ba ngayon si camille sa GMA? or baka lang nagpapapansin naman para magkaroon ng magandang role. diba. yun lang.
ano kaya ang masasabi ni wilmang ilong at gozon.
Wala naman syang masasabi dyan pero alam na nya kung sino sino ang ingrata at ingrato sa showbiz. At dapat magtanda na ang GMA.
actually mayaman narin naman si camille kahit hindi na sya mag work mabubuhay na sya. pero siguro nagpapapansin lang uli sya. para may bagong role.
Post ito ni professional heckler:
“Lack of loyalty is one of the major causes of failure in every walk of life.”
~Napoleon Hill
ay tama ka KATE. ang walang loyalty failure kasi PLASTIKADA OROCAN sila.